Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Apdo”
  • Apdo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Apdo
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Nakalalasong Halaman
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Aklat ng Bibliya Bilang 18—Job
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng Job
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Apdo”

APDO

[sa Ingles, gall].

Isang fluido na nanggagaling sa atay at naiimbak sa gallbladder (tinatawag ding “apdo” sa Tagalog), isang maliit na supot na hugis-peras at nasa ilalim ng kanang bahagi ng atay. Ang gallbladder ay makapaglalaman ng isa at kalahating onsa ng apdo (sa Ingles, gall o bile). Ito ay isang fluido na napakapait, kulay dilaw o maberde-berde at ginagamit ng katawan sa pagtunaw. Nang maglaon, ang apdo ay iniugnay sa bagay na mapait o nakalalason, at ganito ang pagkagamit ng Bibliya sa salitang ito.​—Gaw 8:23.

Nang inilalarawan ni Job ang kaniyang masakit at mapait na karanasan, makasagisag niyang tinukoy ang kaniyang apdo na waring ibinubuhos sa lupa. (Job 16:1, 13) Nang maglaon, may-pagpaparatang na nagpasaring si Zopar, sa makasagisag na pananalita, na si Job ay kumilos nang may kabalakyutan at na sa loob niya ang kaniyang “pagkain” ay magiging gaya ng “apdo [o lason] ng mga kobra.” Nagbabala siya na isang sandata ang “tatagos sa kaniyang apdo [sa Ingles, gallbladder].” (Job 20:1, 14, 25) Ang salitang Hebreo na isinalin bilang “apdo” ay nauugnay sa salitang ginagamit para sa “mapait.”​—Deu 32:32; Job 13:26.

Ang salitang Griego para sa apdo ay kho·leʹ.​—Tingnan ang NAKALALASONG HALAMAN.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share