GENESARET
1. Isang maliit at waring tatsulok na kapatagan na kahangga ng HK baybayin ng Dagat ng Galilea at may sukat na mga 5 por 2.5 km (3 por 1.5 mi). Sa pook na ito, nagsagawa si Jesu-Kristo ng makahimalang mga pagpapagaling. (Mat 14:34-36; Mar 6:53-56; LARAWAN, Tomo 2, p. 739) Ayon sa Judiong istoryador na si Josephus, ang kapatagang ito ay isang pook na maganda, mabunga, at natutubigang mainam, kung saan sagana ang mga puno ng walnut, palma, at olibo, at kung saan nakaaani ng igos at ubas sa loob ng sampung buwan sa isang taon.—The Jewish War, III, 516-521 (x, 8).
2. Ang “lawa ng Genesaret” ay isa pang pangalan para sa Dagat ng Galilea. (Luc 5:1) Naniniwala ang ilang iskolar na ang Genesaret ay malamang na anyong Griego para sa sinaunang pangalang Hebreo na Kineret.—Bil 34:11; tingnan ang GALILEA, DAGAT NG.