SALAPANG
[sa Ingles, harpoon].
Isang instrumento na may mga simà at tulad-sibat, karaniwang ginagamit sa panghuhuli ng malalaking isda. Sa Job 41:7 lamang tinukoy ang salapang, anupat itinatawag-pansin doon ang pagiging tulad-baluti ng balat ng Leviatan (buwaya), na hindi tinatablan ng ordinaryong salapang.