HELKAT-HAZURIM
[Parang ng mga Kutsilyong Batong Pingkian; o, sa pamamagitan ng pagwawasto, Parang ng mga Tagiliran].
Isang parang na malapit sa “tipunang-tubig ng Gibeon.” Dalawampu’t apat na kabataang lalaki, na ang 12 ay kinatawan ng mga hukbo ni Is-boset at ang 12 ay mula sa mga lingkod ni David, ang namatay roon samantalang sila’y ‘naghahamok.’ Pagkatapos nito, pinanganlan ang lugar na iyon ayon sa insidenteng ito.—2Sa 2:12-16.