ISBI-BENOB
Isa sa apat na Repaim (ang higanteng lahi ng mga Canaanita) na naging prominente sa panahon ng huling mga pakikidigma laban sa Israel noong paghahari ni David. Si Isbi-benob ay may dalang isang tansong sibat na may bigat na 300 siklo (3.4 kg; 7.5 lb) at papatayin na sana niya si David nang patayin siya ng mabilis-kumilos na si Abisai.—2Sa 21:15-17, 22.