JEHOZABAD
[malamang, Si Jehova ay Nagkaloob].
1. Ang ikalawa sa walong anak ni Obed-edom na kabilang sa mga bantay ng pintuang-daan sa santuwaryo.—1Cr 26:1, 4, 5, 13, 15.
2. Isang Benjamitang opisyal na namamahala sa 180,000 sa hukbo ni Haring Jehosapat.—2Cr 17:17, 18.
3. Isang kasabuwat sa pagpatay kay Haring Jehoas ng Juda. Pinatay nina Jehozabad at Jozacar, mga lingkod ni Jehoas, ang hari dahil pinaslang nito ang anak ni Jehoiada na si Zacarias. Sila mismo ay pinatay ng anak at kahalili ni Jehoas, si Amazias. Si Jehozabad ay anak ng isang babaing Moabitang nagngangalang Simrit at ni Somer.—2Ha 12:20, 21; 2Cr 24:20-22, 25-27; 25:1, 3.