Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Jerameel”
  • Jerameel

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Jerameel
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Ram
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Eker
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Jehoiakim
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Abisur
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Jerameel”

JERAMEEL

[Magpakita Nawa ng Awa ang Diyos; Nagpakita ng Awa ang Diyos].

1. Ang panganay ng apo ni Juda na si Hezron. Ang maharlika at Mesiyanikong angkan ay dumaan sa kapatid ni Jerameel na si Ram (lumilitaw na ito rin si Arni). Inilakip ang isang malawak na talaangkanan para sa mga inapo ni Jerameel, na ang ilan sa mga ito ay tumahan sa timugang bahagi ng Juda.​—1Cr 2:4, 5, 9-15, 25-42; 1Sa 27:10; Luc 3:33.

2. Anak o inapo ng isang Meraritang Levita na nagngangalang Kis.​—1Cr 24:26, 29; 23:21.

3. Isa sa tatlong lalaki na isinugo ni Haring Jehoiakim noong kaniyang ikalimang taon upang dakpin sina Jeremias at Baruc. Gayunman, bumalik ang mga ito na walang dala sapagkat iningatan ni Jehova na nakakubli ang kaniyang tapat na mga lingkod.​—Jer 36:9, 26.

Yamang ang kahalili at ipinapalagay na panganay ni Jehoiakim na si Jehoiakin ay mga 12 taóng gulang pa lamang noong ikalimang taon ng pamamahala ng ama nito, malamang na ang ibang mga anak ni Jehoiakim ay mas bata pa, anupat napakabata upang isugo sa isang atas na gaya ng kay Jerameel. (2Ha 23:36; 24:6, 8) Samakatuwid, ang pagtawag kay Jerameel bilang “anak ng hari” ay hindi nangangahulugang isa siyang supling ng hari, kundi maaaring mangahulugang isa siyang miyembro ng maharlikang sambahayan o isang opisyal na nagmula sa maharlikang angkan.

Kawili-wiling malaman ang pagkatuklas sa marka ng isang pantatak, sinasabing mula pa noong ikapitong siglo B.C.E., na kababasahan: “Kay Jerameel na anak ng hari.”​—Israel Exploration Journal, Jerusalem, 1978, Tomo 28, p. 53.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share