JERIMOT
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “maging mataas (mapadakila)”].
1. Isang anak o inapo ng panganay ni Benjamin na si Bela, at isang magiting at makapangyarihang lalaki.—1Cr 7:6, 7.
2. Isang Benjamitang mandirigma na sumuporta kay David habang ito ay nasa Ziklag at nagtatago dahil kay Haring Saul.—1Cr 12:1, 2, 5.
3. Isang Meraritang Levita.—1Cr 24:26, 30; tingnan ang JEREMOT Blg. 3.
4. Isang Kohatitang Levita.—1Cr 6:33; 25:4; tingnan ang JEREMOT Blg. 4.
5. Ang prinsipe sa tribo ni Neptali noong panahon ng pamamahala ni David; anak o inapo ni Azriel.—1Cr 27:19, 22.
6. Isang anak ni David na ang anak na babae ay napangasawa ni Haring Rehoboam. (2Cr 11:18) Yamang si Jerimot ay hindi kasama sa talaan ng mga anak ni David sa mga asawa nito na binanggit ang pangalan, maaaring siya ay anak ng isang babae ni David o ng isang asawa nito na hindi binanggit ang pangalan. (2Sa 5:13) Lumilitaw na si Jerimot ay napangasawa ng kaniyang pinsang si Abihail, ang anak ng pinakamatandang kapatid ni David na si Eliab.—2Cr 11:18; 1Sa 17:13.
7. Isa sa mga Levitang komisyonado na nangangasiwa sa bukas-palad na abuloy, ikapu, at mga banal na bagay na dinadala noong panahon ng paghahari ni Hezekias.—2Cr 31:12, 13.