JEROHAM
[Pagpakitaan Nawa Siya ng Awa].
1. Ama ni Elkana at lolo ni Samuel; inapo ng Levitang si Kohat.—1Sa 1:1, 19, 20; 1Cr 6:22, 27, 34, 38.
2. Isang Benjamita ng Gedor na ang dalawang “anak” ay binanggit na kabilang sa “mga katulong [ni David] sa pakikidigma” habang ito ay nasa Ziklag at hindi pa makakilos dahil kay Saul.—1Cr 12:1, 2, 7.
3. Ama ni Azarel na prinsipe ng tribo ni Dan sa ilalim ni Haring David.—1Cr 27:1, 22.
4. Ama ni Azarias, isa sa mga pinuno ng hukbo na tumulong kay Jehoiada na italaga si Jehoas bilang hari.—2Cr 23:1, 11.
5. Isang inapo ni Benjamin na ang anim na binanggit na “mga anak” ay naging mga ulo ng mga pamilya na naninirahan sa Jerusalem. (1Cr 8:1, 26-28) Posibleng siya rin ang Blg. 6.
6. Benjamitang ninuno ni Ibneias, na nanirahan sa Jerusalem pagkatapos ng pagkatapon. (1Cr 9:7, 8) Posibleng siya rin ang Blg. 5.
7. Ama o ninuno ni Adaias, isang saserdote na nanirahan sa Jerusalem pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya.—1Cr 9:3, 10, 12; Ne 11:4, 12.