Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Paglalakbay”
  • Paglalakbay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paglalakbay
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Sabbath na Paglalakbay, Araw ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Alam Mo Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Sabbath, Araw ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kapistahan ng Sabbath
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Paglalakbay”

PAGLALAKBAY

Ang salitang “paglalakbay” (sa Ingles, journey) ay kadalasang ginagamit sa Bibliya upang tumukoy sa isang pangkalahatang distansiya na maaaring lakbayin. (Gen 31:23; Exo 3:18; Bil 10:33; 33:8) Ang distansiyang malalakbay sa isang araw ay depende sa uri ng transportasyon at sa mga kalagayan at kalupaang daraanan ng naglalakbay. Noon, ang katamtamang isang araw na paglalakbay sa katihan ay mga 32 km (20 mi) o mahigit pa. Ngunit ang “isang araw ng sabbath na paglalakbay” ay mas maikli pa. (Mat 24:20) Sinasabi ng Gawa 1:12 na “isang araw ng sabbath na paglalakbay” ang layo ng Jerusalem mula sa Bundok ng mga Olibo. Malamang na dahil tinuos niya ang mga distansiya mula sa dalawang magkaibang lugar, noong isang pagkakataon ay binanggit ni Josephus ang distansiyang ito bilang limang estadyo (925 m; 3,034 na piye) at sa isa pang pagkakataon ay anim na estadyo naman (1,110 m; 3,640 piye). Sinasabi ng mga impormasyong rabiniko, salig sa Josue 3:4, na ang “isang araw ng sabbath na paglalakbay” ay 2,000 siko (890 m; 2,920 piye).

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share