LUKLUKAN NG PAGHATOL
Kadalasan, isang mataas na platapormang nasa labas at may mga baytang, mula rito ang mga opisyal, samantalang nakaupo, ay nakapagsasalita sa harap ng mga pulutong at nakapagpapatalastas ng kanilang mga pasiya. (Mat 27:19; Ju 19:13; Gaw 12:21; 25:6, 10, 17) Ang ipinapalagay ng ilan na luklukan ng paghatol (tinatawag na Bema) sa Corinto, kung saan humarap si Pablo kay Galio, ay yari sa puti at asul na marmol. (Gaw 18:1, 12, 16, 17) Sa gilid nito ay may dalawang silid-hintayan na may mga sahig na moseyk at mga bangkô na marmol.
Ipinagkatiwala ng Diyos na Jehova ang lahat ng paghatol sa kaniyang Anak (Ju 5:22, 27), at dahil dito ang lahat ay haharap sa ‘luklukan ng paghatol ni Kristo.’ (2Co 5:10) Ito ay wasto ring tinatawag na “luklukan ng paghatol ng Diyos” sapagkat si Jehova ang Tagapagpasimula ng kaayusang ito at humahatol siya sa pamamagitan ng kaniyang Anak.—Ro 14:10.