KEREN-HAPUC
[posible, Sungay ng Itim na Pinta (sa Mata) [samakatuwid nga, sisidlan ng kolorete]].
Ang ikatlo at pinakabata sa mga anak na babae na ipinanganak kay Job nang pagpalain siya ni Jehova pagkatapos niyang dumanas ng malaking pagsubok at pagdurusa. (Job 42:12-14) Ang pangalang ito ay maaaring nagpapahiwatig ng magagandang mata, o maaaring ipinahihiwatig nito ang kaniyang pambihirang kagandahan sa kabuuan, yamang “walang mga babae ang nasumpungang kasinggaganda ng mga anak na babae ni Job sa buong lupain.” (Job 42:15) Ang antimony, isang mangasul-ngasul na puting metalikong substansiya, ay nagbibigay ng makintab na itim na kulay at ginagamit ng mga babae sa Silangan noong panahon ng Bibliya bilang pantina sa kanilang mga pilikmata at marahil pati sa kanilang mga kilay, o ginagamit ito upang ipangkulay sa mga gilid ng talukap ng kanilang mga mata, sa gayon ay pinagtitinging malaki at makinang ang mga mata.—Tingnan ang 2Ha 9:30; Jer 4:30.