Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Masahan”
  • Masahan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Masahan
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Pinaasim na Masa
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Pinananatiling Abala ang Mumunting mga Kamay
    Gumising!—1985
  • Isda at Tinapay
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Lebadura
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Masahan”

MASAHAN

[sa Ingles, kneading trough].

Isang hugis-mangkok na kagamitan na mababaw at karaniwa’y nabibitbit. Noon, ito ay kadalasang gawa sa kahoy ngunit kung minsa’y yari sa luwad o sa bronse. Dito pinaghahalo ang harina at tubig upang gawing masa. Sa paggawa ng tinapay na may lebadura, ang masa ay kadalasang hinahaluan ng isang piraso ng pinaasim na masa na itinira mula sa nagdaang pagluluto ng tinapay. Hinahayaan munang umalsa sa masahan ang limpak ng masa bago ito iluto. (Gen 18:6; 1Sa 28:24) Karaniwan na, mga kamay ang ginagamit kapag nagmamasa, bagaman kung minsan ay ginagamit din ng mga Ehipsiyo ang kanilang mga paa, kapag nagmamasa sa isang malaking masahan.​—Os 7:4.

Iba’t iba ang laki ng mga masahan. Gayunman, ang isang uri ng masahang luwad na kadalasang ginagamit noon ay tila mangkok na may diyametrong humigit-kumulang 25 sentimetro (10 pulgada) at may lalim na mga 8 sentimetro (3 pulgada).

Isang mahalagang pagkain ng mga Hebreo ang tinapay at regular silang nagluluto nito. Kaya naman para sa mga Israelita at sa iba pang mga tao noong sinaunang panahon, ang masahan ay isang napakahalagang kasangkapan. Noong mga araw ni Moises, ang mga palakang tumakip sa Ehipto bilang ikalawang dagok na pinasapit dito ni Jehova ay pumasok sa mga tahanan at nasumpungan maging sa mga masahan. (Exo 8:3) Nang maglaon, nang dali-daling lisanin ng mga Israelita ang Ehipto, “dinala ng bayan ang kanilang masang harina bago pa ito mapaasim, at ang kanilang mga masahan na nakabalot sa kanilang mga balabal na nakapasan sa kanilang balikat.” (Exo 12:33, 34) Yamang noon ay mahalagang kagamitan sa tahanan ang masahan, palibhasa’y ginagamit ito sa paggawa ng ‘pang-araw-araw na tinapay,’ maliwanag na ang pagpapala rito ni Jehova ay nagpapahiwatig na tiyak na magkakaroon ng saganang pagkain sa tahanan, samantalang ang pagsumpa niya rito ay nangangahulugan naman ng gutom.​—Deu 28:1, 2, 5, 15, 17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share