LUNSOD NG MGA LEVITA, MGA
Ang mga Levita ay hindi tinakdaan ng teritoryo, yamang si Jehova ang kanilang mana. (Bil 18:20; Deu 18:1, 2) Ngunit iniutos ng Diyos na magbigay sa kanila ang ibang mga tribo ng Israel ng kabuuang 48 lunsod at ng mga pastulan sa palibot ng mga ito. (Bil 35:1-8) Nang maglaon ay iniatas ang mga lunsod na iyon sa mga Levita (Jos 21:1-8), at 13 sa mga iyon ang naging mga lunsod ng mga saserdote. (Jos 21:19; tingnan ang LUNSOD NG MGA SASERDOTE, MGA.) Sa 48 lunsod, 6 ang itinalaga bilang mga kanlungang lunsod para sa mga nakapatay nang di-sinasadya.—Jos 20:7-9; tingnan ang KANLUNGANG LUNSOD, MGA.
Ang pangangalat ng mga Levita sa gitna ng ibang mga tribo ng Israel ay katuparan ng hula ni Jacob bago siya mamatay.—Gen 49:5-7.
Ang mga Levita ay may karapatang tumubos kailanman ng mga bahay na ipinagbili nila sa loob ng kanilang mga lunsod, o kaya ang mga ito ay naisasauli sa kanila sa taon ng Jubileo. Ngunit ang mga pastulan na karatig ng kanilang mga lunsod ay hindi kailanman dapat ipagbili.—Lev 25:32-34; tingnan ang LEVITA, MGA.