Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Lud, Ludim”
  • Lud, Ludim

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Lud, Ludim
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pinagmulan ng mga Bansa
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Mizraim
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ham
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kub
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Lud, Ludim”

LUD, LUDIM

1. Isang anak ni Sem (Gen 10:22; 1Cr 1:17) na ang mga inapo ay iniugnay ni Josephus (at ng iba pa) sa mga Lydiano ng TK Asia Minor. (Jewish Antiquities, I, 143, 144 [vi, 4]) Tinukoy ng mga inskripsiyong Asiryano noong ikapitong siglo B.C.E. ang mga Lydiano bilang Luddu.

2. Isang inapo ni Ham sa pamamagitan ni Mizraim. (Gen 10:6, 13; 1Cr 1:8, 11) Ang bayang nagmula sa Hamitikong Lud na ito ay maliwanag na “ang mga Ludim” na kilalá sa kanilang kahusayan sa paggamit ng busog at, kasama ang Hamitikong Put at Cus, isinama sila sa mga hukbong militar ng Ehipto. (Jer 46:8, 9; ihambing ang Eze 30:4, 5.) Ang kahawig na pagbanggit sa humahawak ng busog na Lud sa Isaias 66:19 ay waring tumutukoy sa Hamitikong Lud, sa halip na sa Semitikong Lud, bilang kasama sa mga bansang malayo sa Israel. Ang mga Ludim na nag-ukol ng paglilingkod militar sa Tiro ay mas mahirap tukuyin. (Eze 27:3, 10) Gayunman, ang pag-uugnay sa kanila kay Put sa teksto ay maaaring muling tumutukoy sa Hamitikong mga Ludim.

Dahil sa mga tekstong nabanggit ay makatuwirang ilagay ang Hamitikong mga Ludim sa Hilagang Aprika, ngunit hindi posibleng tukuyin ang kinaroroonan ng mga ito nang mas tiyakan. Inilalagay sila ng ilang iskolar sa kalakhang kapaligiran ng Libya, ngunit ginagawa nila iyon salig sa isang sinadyang pagbabago sa baybay ng pangalan tungo sa Lub sa halip na Lud.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share