MAARAT
[Yungib; o, Hantad na Parang].
Isang bayan na nakaatas sa tribo ni Juda. (Jos 15:21, 59) Isang lugar na malapit sa nayon ng Beit Ummar sa maburol na lupain ng Juda, 11 km (7 mi) sa H ng Hebron, ang itinuturing na malamang na lokasyon nito. Iminumungkahi ng ilan na ang Maarat ay maaaring ibang pangalan ng Marot.—Mik 1:9, 12.