MACBENA
Ang pangalang ito ay lumilitaw sa isang talaan ng mga inapo ni Caleb sa pamamagitan ng kaniyang babae na si Maaca, anupat ang anak nito na si Seva ay tinatawag na “ama ni Macbena at ama ni Gibea.” (1Cr 2:48, 49) Iminumungkahi ng ilang komentarista, palibhasa’y napansin na marami sa mga pangalan sa seksiyong ito ang lumilitaw rin bilang mga pangalan ng mga bayan, na maaaring ang Macbena ay pangalan ng isang bayan na si Seva ang nagtatag o naging “ama.”