MAHARAI
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “magmadali; mag-apura”].
Isang makapangyarihang lalaki ng mga hukbong militar ni David at isang Netopatita. (2Sa 23:8, 28; 1Cr 11:26, 30) Siya ay isang inapo ni Zera at inilagay nang maglaon sa pangangasiwa sa pangkat ng 24,000 na naglilingkod sa hari tuwing ikasampung buwan.—1Cr 27:1, 13.