MAHALI
[posibleng mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “manghina; magkasakit”].
1. Apo ni Levi, anak ni Merari at kapatid ni Musi. (Exo 6:16, 19; 1Cr 6:19, 29; 24:26) Si Mahali ang ama nina Eleazar at Kis at ulo ng pamilya ng mga Mahalita. (Bil 3:20, 33; 1Cr 23:21; 24:28, 29) Ang kaniyang inapong si Serebias, tinukoy na “isang lalaking may karunungan mula sa mga anak ni Mahali,” ay bumalik sa Jerusalem kasama ni Ezra.—Ezr 8:18.
2. Isang Levita, anak ni Musi, at samakatuwid ay pamangkin ng anak ni Merari na si Mahali.—1Cr 6:47; 23:23; 24:26, 30.