Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Manoa”
  • Manoa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Manoa
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Samson
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mga Magulang—Sanayin ang Inyong mga Anak Mula sa Pagkasanggol
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Galing kay Jehova ang Lakas ni Samson
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Nagtagumpay si Samson Dahil sa Lakas ni Jehova!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Manoa”

MANOA

Isang lalaking Danita mula sa bayan ng Zora sa Sepela (Jos 15:33) at ama ni Hukom Samson. Si Manoa ay isang taimtim na mananamba ni Jehova.

Isang araw ay nagpakita sa baog na asawa ni Manoa ang isang anghel, na nagpatalastas na magsisilang ito ng isang anak na lalaki na magiging isang Nazareo ng Diyos. Nang ipabatid ito kay Manoa, nagsumamo siya kay Jehova na muling isugo ang mensahero upang turuan sila kung paano palalakihin ang bata. Sinagot ni Jehova ang panalangin at isinugo ang anghel sa ikalawang pagkakataon. Nang mag-alok si Manoa na maghain ng pagkain sa harap ng mensahero, sinabi nito na maghain na lamang siya ng handog na sinusunog para kay Jehova, na ginawa naman niya. Matapos pumailanlang ang mensaherong ito sa liyab na pumapaitaas mula sa altar, saka lamang nakilala ni Manoa na ito ay anghel ni Jehova. Dahil dumanas sila ng ganitong karanasan, natakot si Manoa na baka siya at ang kaniyang asawa ay mamatay. Ngunit pinawi nito ang kaniyang takot, na sinasabi: “Kung kinalugdan lamang ni Jehova na patayin tayo, hindi na sana siya tumanggap ng handog na sinusunog at handog na mga butil mula sa ating kamay, at hindi na sana niya ipinakita sa atin ang lahat ng mga bagay na ito, at hindi na sana niya ipinarinig sa atin ngayon ang anumang bagay na tulad nito.”​—Huk 13:2-23.

Pagkalipas ng maraming taon, si Manoa at ang kaniyang asawa, palibhasa’y ‘hindi alam na iyon ay mula kay Jehova,’ ay tumutol sa kagustuhan ni Samson na mag-asawa ng isang babaing Filisteo na taga-Timnah. (Huk 14:1-4; ihambing ang Deu 7:3, 4.) Pagkatapos nito, sinamahan ni Manoa at ng kaniyang asawa si Samson sa Timnah, bagaman hindi sila sumama sa kaniya hanggang sa tahanan ng babaing Filisteo. Kaya hindi nila nasaksihan ang pagpatay ni Samson sa isang batang leon sa pamamagitan lamang ng kaniyang mga kamay. Noong isang pagkakataon naman, nang balak na ni Samson na iuwi sa kaniyang tahanan ang babaing Filisteo, muli siyang pumaroon sa Timnah kasama ang kaniyang mga magulang. Lumiko siya upang siyasatin ang bangkay ng leon na pinatay niya at nakasumpong siya sa loob nito ng isang kulupon ng mga bubuyog at pulot-pukyutan. Nang muling makasama ang kaniyang mga magulang, inalok niya sila ng pulot-pukyutan na kinayod niya mula sa bangkay ng leon, at kinain nila iyon. Pagkatapos nito, lumilitaw na nagpatuloy ang pamilya sa paglalakbay, at tiyak na ang dalawang magulang ay naroon sa piging na isinaayos ni Samson sa Timnah.​—Huk 14:5-10.

Naunang mamatay si Manoa sa kaniyang anak, sapagkat inilibing si Samson sa dakong libingan ni Manoa sa pagitan ng Zora at Estaol.​—Huk 16:31.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share