MEKERATITA
Isang termino na nauukol sa isang tao o lugar na pinanganlang Mekera, na dito ay iniugnay si Heper, isa sa makapangyarihang mga lalaki ni David, dahil sa angkang pinagmulan o dating tirahan nito. (1Cr 11:26, 36) Iminumungkahi ng ilang iskolar na ang “Mekeratita” ay maaaring ibang anyo ng “Maacatita,” gaya ng nasa 2 Samuel 23:34.