MEDAN
Isa sa anim na anak ni Abraham sa kaniyang babaing si Ketura. (Gen 25:1, 2; 1Cr 1:32) Hindi matukoy ang tribong Arabe na nagmula kay Medan, at hindi alam kung saan ito namayan. Gayunman, ang “Medan” ay maaaring kinakatawan sa “Badan,” isang lugar sa T ng Tema na kinuha ng Asiryanong si Haring Tiglat-pileser III noong ikawalong siglo B.C.E., yamang ang Arabeng “m” at “b” ay kalimitang nagkakapalit.