ME-JARKON
[Tubig ng Jarkon].
Naniniwala ang ilang iskolar na ang Me-jarkon sa teritoryo ng Dan (Jos 19:40, 41, 46) ay ang Nahr el-ʽAuja (Nahal Yarqon), na pumapasok sa Dagat Mediteraneo mga 6 na km (3.5 mi) sa HHS ng Jope. Ang bukal nito, na isa sa pinakamalalaking bukal sa Palestina, ay mga 20 km (12 mi) papaloob mula sa baybayin malapit sa iminumungkahing lokasyon ng Apek (Blg. 3).
Ipinapalagay naman ng iba na maaaring ang orihinal na tekstong Hebreo, tulad ng Griegong Septuagint, ay kababasahan ng ‘at sa kanluran [o, sa dagat] ay ang Jarkon.’ Ang Tell Qasileh (Tel Qasila), na nasa loob ng mga hangganan ng Tel Aviv-Yafo (Jope), ay iminumungkahi bilang posibleng lokasyon ng Jarkon.