MERATAIM
[malamang, Dobleng Paghihimagsik].
Isang katawagan na kumakapit sa Babilonya o, posible, sa isang partikular na teritoryo sa Babilonia. (Jer 50:21, 23, 24) Maaaring tumutukoy ito sa nar marratu sa mga inskripsiyong Babilonyo, itinuturing na ang Gulpo ng Persia sa bahaging pinapasukan ng mga ilog ng Tigris at ng Eufrates. Maliwanag na ginamit ito bilang katunog ng pandiwang Hebreo na ma·rahʹ (maging mapaghimagsik). Bilang isang doblihang anyo na hinalaw sa ma·rahʹ, ang Merataim ay maaaring tumutukoy sa tindi ng paghihimagsik ng Babilonya. Mula noong mga araw ng tagapagtatag nito na si Nimrod, ang Babilonya ay patuloy na naging mapaghimagsik laban kay Jehova.—Gen 10:8-10.