MINIAMIN
[Mula sa Kanang Kamay].
1. Isa sa mga Levitang naglilingkod sa ilalim ng pangangasiwa ni Kore sa katungkulan bilang katiwala para sa pamamahagi ng banal na abuloy sa kanilang mga kapatid sa mga lunsod ng mga saserdote noong mga araw ni Haring Hezekias.—2Cr 31:14, 15.
2. Isa sa makasaserdoteng mga sambahayan sa panig ng ama na umiiral noong panahon ng mataas na saserdoteng si Joiakim. (Ne 12:12, 17) Maaaring ang “Mijamin” sa Nehemias 12:5 ang pinagmulan nito.
3. Isang saserdote na kabilang sa mga may mga trumpeta na nakibahagi sa seremonya para sa pagpapasinaya ng muling-itinayong pader ng Jerusalem noong mga araw ni Nehemias. (Ne 12:40, 41) Posibleng siya ang saserdoteng tinawag na “Mijamin” sa Nehemias 10:7.