MOSERA, MOSEROT
Ang lugar kung saan nagkampo ang mga Israelita noong mamatay si Aaron. (Deu 10:6) Maliwanag na malapit ito sa Bundok Hor (kung saan namatay si Aaron). Gayunman, hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon nito. (Bil 33:38) Ang anyong pangmaramihan ng Mosera, “Moserot,” ay lumilitaw sa Bilang 33:30, 31 at waring tumutukoy sa mas naunang kampamento roon ng mga Israelita.