NEBUSAZBAN
[mula sa wikang Akkadiano, nangangahulugang “O Nebo, Iligtas Mo Ako!”].
Ang Rabsaris, punong opisyal ng korte, sa mga hukbo ni Nabucodonosor na nagwasak sa Jerusalem noong 607 B.C.E. Si Nebusazban ay isa sa ilang prinsipe na nag-utos na palayain si Jeremias. (Jer 39:13, 14) Alinman sa tinutukoy si Nebusazban sa kaniyang titulo o isa pang tao ang tinawag ding Rabsaris sa pangkat na umupo sa Gitnang Pintuang-daan pagkatapos na unang mapasok ng mga Babilonyo ang pader ng Jerusalem.—Jer 39:2, 3.