Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Netineo, Mga”
  • Netineo, Mga

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Netineo, Mga
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Netineo
    Glosari
  • Paglalaan ni Jehova, ang “mga Ibinigay”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Ziha
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Nepusesim, Nepusim
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Netineo, Mga”

NETINEO, MGA

[Mga Ibinigay].

Di-Israelitang mga lingkod sa templo. (1Cr 9:2; Ezr 8:17) Ang mga kinatawan ng 35 pamilyang Netineo ay kabilang sa mga bumalik mula sa pagkatapon sa Babilonya kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E. (Ezr 2:1, 2, 43-54, 58; Ne 7:46-56, 60; ang mga anak nina Akkub, Hagab, at Asena, na itinala ni Ezra, ay hindi binanggit ni Nehemias. Maaaring isinama sila sa ilalim ng iba pang mga pangalan ng pamilya.) Gayundin, noong 468 B.C.E., ang ilan sa mga Netineo ay sumama kay Ezra mula sa Babilonya patungong Jerusalem. (Ezr 7:1-7) Pagkatapos nito, ang ilang Netineo ay nakibahagi sa pagkukumpuni ng pader ng Jerusalem. (Ne 3:26) Nakisama rin sila sa mga Israelita sa isang tipan na nangangakong hindi sila makikipag-alyansa sa mga banyaga ukol sa pag-aasawa.​—Ne 10:28-30.

Malamang na ang marami sa mga Netineo ay mga inapo ng mga Gibeonita na ginawa ni Josue na “mga tagakuha ng kahoy at mga tagasalok ng tubig para sa kapulungan at para sa altar ni Jehova.” (Jos 9:23, 27) Lumilitaw na ang ibang mga Netineo ay nagmula sa mga bihag na kinuha ni Haring David at ng kaniyang mga prinsipe. (Ezr 8:20; ihambing ang Aw 68:18.) Ang mga Netineo na kabilang sa pamilya ng mga Meunim ay maaaring mga inapo ng mga bihag na kinuha ng Judeanong si Haring Uzias. (2Cr 26:7; Ezr 2:50; Ne 7:52) Ang isa pang grupo, “ang mga anak ni Nepusim” (Nepusesim), ay maaaring mga inapo ni Ismael sa pamamagitan ni Napis.​—Gen 25:13-15; Ezr 2:50; Ne 7:52.

Noong mga panahon pagkaraan ng pagkatapon, ang mga Netineo ay nanirahan sa Opel, lumilitaw na malapit sa lugar ng templo, at sa iba pang mga lunsod. (Ezr 2:70; Ne 3:26, 31; 7:73; 11:3, 21) Dahil sa kanilang gawain sa templo, pinalaya sila ng Persianong si Haring Artajerjes mula sa pagbabayad ng buwis, tributo, at singil.​—Ezr 7:24.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share