Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Nicopolis”
  • Nicopolis

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nicopolis
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Lunsod ng Nicopolis
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Mga Paglalakbay ni Pablo Pagkatapos ng mga 61 C.E.
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Tito
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Aklat ng Bibliya Bilang 56—Tito
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Nicopolis”

NICOPOLIS

[Lunsod ng Pananaig].

Isang lunsod kung saan ipinasiya ng apostol na si Pablo na magpalipas ng taglamig noong isa sa kaniyang mga paglalakbay at na dito ay pinapunta niya si Tito. (Tit 3:12) Ang nota sa dulo ng liham ni Pablo kay Tito sa King James Version, na nagpapahiwatig na isinulat ito “mula sa Nicopolis ng Macedonia,” ay hindi masusumpungan sa pinakamatatandang manuskrito. Maliwanag na hindi isinulat ni Pablo ang kaniyang liham mula sa Nicopolis, yamang ipinahihiwatig ng Tito 3:12 na wala pa siya roon kundi ipinasiya lamang niya na doon magpalipas ng taglamig.

Sa iba’t ibang sinaunang mga lunsod na tinatawag na Nicopolis, waring ang Nicopolis ng Epirus na nasa isang peninsula sa HK Gresya at mga 10 km (6 na mi) sa H ng Preveza, ang pinakakatugma ng pagtukoy sa Bibliya. Yamang isa itong prominenteng lunsod, maaaring naging isang mainam na lugar ito upang doon ipahayag ni Pablo ang mabuting balita, at kumbinyente ang lokasyon nito kapuwa para kay Pablo (waring nasa Macedonia noon) at kay Tito (na nasa Creta). Maaaring inaresto si Pablo sa Nicopolis at pagkatapos ay dinala siya sa Roma upang ibilanggo sa kahuli-hulihang pagkakataon at patayin.

Itinatag ni Octavian (Augusto) ang Nicopolis bilang pinakaalaala ng kaniyang tagumpay sa digmaan sa dagat (noong 31 B.C.E.) laban kina Antony at Cleopatra sa karatig na Actium. Ang Palarong Actian na pinasinayaan niya bilang parangal sa diyos na si Apolo ay nagpapagunita rin sa pangyayaring ito. Sinaklaw ng mismong lunsod ang lugar ng Romanong kampamento, at sa dating kinaroroonan ng kaniyang tolda ay nagtayo si Octavian ng isang templo para sa diyos na si Neptune. Ang karamihan sa mga gusaling pampubliko ng lunsod, ayon sa istoryador na si Josephus, ay itinayo dahil sa interes at pinansiyal na tulong ni Herodes na Dakila.​—Jewish Antiquities, XVI, 147 (v, 3).

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share