TAGA-SILANGAN, MGA
Ang taong-bayan ng mga lupaing iyon na minalas ng mga Hebreong manunulat bilang “Silangan.” Ang lugar na ito ay lampas pa sa hangganan ng Israel hindi lamang sa dakong silangan kundi sa malayo pang hilagang-silangan at sa dakong timog-silangan sa Arabia. (Gen 25:6; Jer 49:28) Kaya, nang pumaroon si Jacob sa sambahayan ni Laban sa Haran, pumaroon siya sa “lupain ng mga taga-Silangan,” sa HS ng Canaan.—Gen 29:1.
Si Job ay tinatawag na “ang pinakadakila sa lahat ng mga taga-Silangan [sa literal, mga anak ng Silangan].” (Job 1:3, tlb sa Rbi8) Ang mga hukbong naniil sa Israel bago bumangon si Gideon at nilupig sila ay binubuo ng mga Amalekita at mga Midianita bukod pa sa “mga taga-Silangan,” na maliban dito ay wala nang ibang pagkakakilanlan. (Huk 6:3, 33; 7:12; 8:10) Bagaman ang mga taga-Silangan ay kilala sa kanilang karunungan, nahigitan sila ni Solomon sa bagay na ito. (1Ha 4:30) Ang tinatawag na mga taong marurunong, o mga Mago, na dumalaw sa batang si Jesus ay “mga astrologo mula sa mga silanganing bahagi.”—Mat 2:1, 2, 11.