PAGIEL
[Pagharap sa Diyos].
Pinuno ng tribo ni Aser noong nasa ilang; anak ni Ocran. (Bil 1:13, 16) Tumulong siya kay Moises sa pagkuha ng unang sensus ng Israel, naghandog ng kaniyang handog sa pagpapasinaya ng altar ng tabernakulo, at humawak sa militar na pamamahala sa kaniyang tribo.—Bil 1:4, 5, 13, 17-19; 2:27, 28; 7:11, 72-77; 10:26.