Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Peleteo, Mga”
  • Peleteo, Mga

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Peleteo, Mga
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Alam Mo Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2024
  • Kereteo, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Benaias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Cariano, Tagapagbantay na
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Peleteo, Mga”

PELETEO, MGA

Matatapat na mandirigma ni Haring David; laging binabanggit kasama ng mga Kereteo. Nang tumakas si David mula sa Jerusalem dahil sa paghihimagsik ni Absalom (na sinuportahan ng kalakhang bahagi ng hukbo), ang mga Peleteo ay sumama kay David nang tumawid siya ng Kidron. (2Sa 15:18, 23) Tumulong din silang sugpuin ang paghihimagsik ni Sheba (2Sa 20:7), at nang maglaon ay sinuportahan nila ang pagpili ni David kay Solomon bilang kahalili niya, sa halip na pumanig kay Adonias gaya ng ginawa ni Joab. (1Ha 1:38, 44) Ang mga Kereteo at mga Peleteo ay hindi bahagi ng karaniwang hukbo kundi isang bukod na pangkat na naglilingkod kay Haring David, sapagkat si Joab ay tinatawag na ulo ng hukbo, ngunit, nakabukod sa kanila, si Benaias ang namamahala sa mga Kereteo at mga Peleteo. (2Sa 8:18; 20:23; 1Cr 18:17) Yamang hindi binanggit ang mga Peleteo bago o pagkatapos ng paghahari ni David, maaaring ipalagay na ang mga ito ay kaniyang personal na mga lingkod, sa halip na isang permanenteng grupo na naglilingkod sa hari.​—Ihambing ang 2Sa 8:18 at 23:22, 23.

Ang kawalan ng anumang tiyakang pagkakakilanlan sa mga Peleteo ay nagbangon ng maraming mungkahi, kabilang na rito ang dalawang pangunahing kaisipan: (1) Ang malaking pagkakahawig sa Hebreo ng dalawang pangalang ito na Peleteo at Filisteo (ang פלתי [Peleteo] kapag nilakipan ng isa lamang karagdagang titik ay nagiging פלשתי [Filisteo]) ang saligan sa pagsasabing ang mga ito ay may iisang pinagmulan, o na marahil ang mga Peleteo ay isang sanga ng mga Filisteo. Tinututulan ng ilan ang mungkahing ito na mga Filisteo ang bumuo sa personal na tagapagbantay ni David, ngunit ang posibilidad na ito ay hindi dapat na lubusang waling-halaga. (2) Sa kabilang dako, marahil ang mga pangalang Kereteo at Peleteo ay mga terminong tumutukoy sa tungkulin o mga ranggo ng paglilingkod na isinagawa ng tagapagbantay ni David, anupat ang mga Kereteo ang naglingkod bilang mga tagapuksa, ang mga Peleteo naman bilang mga mananakbo. Ang gayong pangkat ng mga mananakbo ay binanggit noong panahon ng mga paghahari ni Saul at ng sumunod pang mga hari. (1Sa 22:17; 2Ha 11:4; 2Cr 30:6) Gayunman, mas kaunti ang naniniwala sa ikalawang pangmalas na ito kaysa sa una.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share