Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Pistasyo, Nuwes ng”
  • Pistasyo, Nuwes ng

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pistasyo, Nuwes ng
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Betonim
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang Nuwes na May Bagong Pangalan
    Gumising!—1994
  • Ang Macadamia Nut—Espesyal na Pagkain ng Australia
    Gumising!—2010
  • Beten
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Pistasyo, Nuwes ng”

PISTASYO, NUWES NG

[sa Heb., bot·nahʹ].

Ang bunga ng puno ng Pistacia vera. Ang punong ito na deciduous (samakatuwid nga, nalalagas ang mga dahon tuwing taglagas) ay saganang tumutubo sa mga tuyong lugar at bihirang lumampas nang mahigit sa 9 na m (30 piye). Ang mga nuwes nito ay may haba na 1.5 hanggang 2 sentimetro (0.6 hanggang 0.8 pulgada) at tumutubo bilang malalaking kumpol. Ang balat (shell) ng hinog na pistasyo na manipis ngunit matigas at mapusyaw ang kulay ay nababalutan ng tila kulubot na talupak. Ang bawat nuwes ay may butil na luntiang manilaw-nilaw na nababalutan ng manipis at mamula-mulang balat (skin). Ang butil ay may banayad at manamis-namis na lasa at karaniwang kinakain nang hilaw o pinirito. Kung minsan ang mga butil ay pinipisa para makuha ang langis, at ang giniling na mga butil ay ginagamit sa matatamis na produkto.

Kabilang ang mga nuwes ng pistasyo sa “pinakamaiinam na produkto ng lupain” ng Canaan na dinala sa Ehipto bilang kaloob ng mga anak ni Jacob sa isa na namamahala sa Ehipto. (Gen 43:11) Maging sa makabagong panahon, maraming nuwes ng pistasyo ang iniluluwas mula sa iba’t ibang bahagi ng Gitnang Silangan.

Lumilitaw na ang lunsod ng Betonim, nasa S ng Jordan sa teritoryo ng Gad, ay ipinangalan sa mga nuwes ng pistasyo.​—Jos 13:24, 26.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share