PUNON
Isang lugar na pinagkampuhan ng Israel sa pagitan ng Zalmona at Obot. Narating nila ito ilang panahon pagkatapos nilang lisanin ang Bundok Hor (Jebel Madurah [?]). (Bil 33:41-43) Hindi pa natutukoy nang may katiyakan kung saan ang lokasyon nito, ngunit karaniwan itong iniuugnay sa Feinan, mga 30 km (19 na mi) sa TS ng ʽAin Husb.