REELAIAS
Isa na ang pangalan ay lumilitaw kasama niyaong sa mga prominenteng lalaki na gaya nina Zerubabel at Jesua sa pasimula ng talaan ng mga bumalik mula sa Babilonya patungong Jerusalem noong 537 B.C.E. (Ezr 2:1, 2) Ang pangalang ito ay binabaybay na Raamias (nangangahulugang “Si Jehova ay Nagpakulog; Pagdaluyong ni Jehova”) sa Nehemias 7:7.