REPAIAS
[Si Jah ay Nagpagaling].
1. Ikalawang binanggit na anak ni Tola at ulo ng sambahayan sa panig ng ama sa tribo ni Isacar.—1Cr 7:1, 2.
2. Isang Benjamitang inapo ni Haring Saul at ni Jonatan. (1Cr 9:39-43) Tinatawag siyang Rapah sa 1 Cronica 8:37.
3. Isa sa apat na anak ni Isi na, malamang noong panahon ng paghahari ni Hezekias, nanguna sa 500 Simeonita laban sa mga Amalekita na tumakas patungong Bundok Seir. Pagkatapos ay sinakop ng mga Simeonita ang teritoryong ito.—1Cr 4:41-43.
4. Isang inapo ni David na nabuhay pagkaraan ng pagkatapon.—1Cr 3:5, 9, 10, 21.
5. Isang opisyal sa Jerusalem na tumulong sa proyekto ni Nehemias na pagkukumpuni ng pader ng Jerusalem; anak ni Hur.—Ne 3:9.