SAMOTRACIA
[posible, Samos ng Tracia].
Isang bulubunduking pulo sa HS Dagat Aegeano, anupat may isang lunsod sa H panig nito na gayundin ang pangalan. Noong panahon ng ikalawang paglalakbay ni Pablo bilang misyonero, malamang ay noong tagsibol ng 50 C.E., ang barkong sinasakyan niya ay naglayag at “tuluy-tuloy na nakarating” sa pulo ng Samotracia mula sa Troas sa HK Asia Minor. Gayunman, walang pahiwatig na siya ay bumaba sa baybayin nito. (Gaw 16:11) Ang makabagong-panahong pulo (Samothraki) ay walang mainam na daungan, bagaman marami itong lugar kung saan ligtas na makapagbababa ng angkla.