Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Dambuhalang Hayop-dagat”
  • Dambuhalang Hayop-dagat

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Dambuhalang Hayop-dagat
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Rahab
    Glosari
  • Leviatan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Dagat
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Rahab
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Dambuhalang Hayop-dagat”

DAMBUHALANG HAYOP-DAGAT

Ito ang karaniwang salin ng salitang Hebreo na tan·ninʹ (tan·nimʹ, “dambuhalang hayop-dagat” sa Eze 29:3 at 32:2). Ang terminong ito’y isinasalin bilang “malaking ahas” kapag walang kinalaman sa dagat o tubig (Jer 51:34) [ipinagpatuloy sa pahina 545] [karugtong ng pahina 528] o kapag tiyak na mga ahas ang tinutukoy ng konteksto. (Exo 7:9, 12; ihambing ang Exo 4:2, 3.) Walang alinlangang kasama sa tan·ninʹ ang sari-saring uri ng malalaking hayop sa dagat (Gen 1:21; Aw 148:7), ngunit kadalasa’y ginagamit ang terminong ito sa makasagisag na diwa. Waring ang pagkapuksa ni Paraon at ng kaniyang mga hukbo ang tinutukoy ng pananalitang: “Binasag mo [Jehova] ang mga ulo ng mga dambuhalang hayop-dagat sa tubig.” (Aw 74:13) Sa Isaias 51:9, binanggit ang “dambuhalang hayop-dagat” kaagapay ng Rahab (ang Ehipto; ihambing ang Isa 30:7) at sa gayo’y maaaring tumutukoy ito sa Ehipto, o kay Paraon, gaya sa Ezekiel 29:3 at 32:2. Itinanong ng tapat na si Job kung siya ba ay “isang dambuhalang hayop-dagat” anupat kailangan siyang lagyan ng bantay.​—Job 7:12; tingnan ang LEVIATAN.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share