SINIM, LUPAIN NG
Isang bansa na inihulang panggagalingan ng nangalat na mga Israelita pagsapit ng panahon na sila’y maninirahan na sa kanilang sariling lupain at pananauliin iyon. (Isa 49:12) Ipinahihiwatig ng pagtukoy sa H at K sa talata ring iyon na ang Sinim ay nasa T o S ng lupain ng Israel. Sa halip na “Sinim,” ang Griegong Septuagint ay kababasahan ng “lupain ng mga Persiano,” at maaaring kasama rito ang Elam, na tinawag na Si-nim sa Matandang Akkadiano. (Ihambing ang Isa 11:11.) Sa kabilang dako naman, “[lupain] sa dakong timog” ang mababasa sa mga Targum at Latin na Vulgate. Iminumungkahi ng ilang iskolar na ito ay ang Seyene (Eze 30:6) na nasa pinakadulong timog ng Ehipto. Ngunit hindi matiyak kung saan ang lokasyon ng Sinim.