SUSÔl
[sa Heb., shab·belulʹ; sa Ingles, snail].
Alinman sa sari-saring uri ng mababagal-umusad na mga mulusko na karaniwang nakikilala dahil sa kanilang paikid o hugis-balisungsong na kabibi na maaari nilang pagtaguan. Maraming uri ng susô sa Palestina, ngunit dahil sa tuyong klima, kakaunti lamang ang mga lintang-kati [slug], samakatuwid nga, mga susô na walang kabibi. Ang mga lintang-kati at mga susô ay parehong naglalabas ng madulas na laway na nagsisilbing proteksiyon para huwag silang magasgasan habang sila’y gumagapang. Marami ang naniniwala na ang pariralang “susô na natutunaw” ay tumutukoy sa malaway na landas na dinaanan ng susô. (Aw 58:8) Ang isa pang mungkahi ay na tumutukoy ito sa pagkatuyot ng susô sa kabibi nito kapag matagal itong nabilad sa araw.