Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Espanya”
  • Espanya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Espanya
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Tarsis
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mga Paglalakbay ni Pablo Pagkatapos ng mga 61 C.E.
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Clemente
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Paglaganap ng Salita ng Diyos sa Espanya Noong Edad Medya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Espanya”

ESPANYA

Isang bansa na nasa Iberian Peninsula sa TK Europa. Pagkadalaw niya sa mga Kristiyanong taga-Roma, umasa ang apostol na si Pablo na bahagya siyang maihahatid doon ng kaniyang mga kapananampalataya sa Roma. (Ro 15:23, 24, 28) Hindi tiyak kung talagang nakarating sa Espanya ang apostol. Gayunman, sinabi ni Clemente ng Roma (mga 95 C.E.) na si Pablo ay dumating “hanggang sa pinakadulo ng kanluran,” anupat maaaring kasama roon ang Espanya. (The Ante-Nicene Fathers, Tomo I, p. 6, “The First Epistle of Clement to the Corinthians,” kab. V) Kung nakarating siya sa lupaing iyon, malamang na ang pagdalaw ni Pablo ay naganap sa pagitan ng pagpapalaya sa kaniya mula sa unang pagkabilanggo niya sa Roma (mga 61 C.E.) at ng muling pagkabilanggo niya roon noong mga 65 C.E. Noong panahong iyon, ang Espanya ay nasa ilalim ng pamamahala ng Roma. Iniuugnay ng ilan ang Tarsis sa timugang bahagi ng Espanya.​—Tingnan ang TARSIS Blg. 4.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share