ESPELTA
[sa Heb., kus·seʹmeth; sa Ingles, spelt].
Isang nakabababang uri ng trigo na ang mga butil ay hindi madaling humiwalay mula sa ipa. Noong sinauna, ang espelta (Triticum spelta) ay itinatanim sa Ehipto (Exo 9:32), kung saan, ayon sa Griegong istoryador na si Herodotus (II, 36, 77), ginagawa itong tinapay. (Tingnan ang Eze 4:9.) Waring itinatanim ito noon ng mga Israelita bilang hanggahan sa palibot ng kanilang mga bukid upang magsilbing isang uri ng bakod.—Isa 28:25.