SUCOT-BENOT
[Mga Kubol ni Benot].
Isang bathalang sinamba ng mga Babilonyong dinala ng hari ng Asirya sa mga lunsod ng Samaria pagkatapos niyang dalhin sa pagkatapon ang mga Israelita ng sampung-tribong kaharian. (2Ha 17:30) Iminumungkahi ng ilang iskolar na ang pangalang “Sucot-benot” ay isang Hebreong anyo ng Sarpanitu, ang asawa ni Merodac (Marduk). Mas iniuugnay naman ito ng iba kay Merodac, o Marduk, yamang ang pangalang “Sucot-benot” ay maaaring Sakut(h)banʼwat(h), na nangangahulugang “ang Tagapayo, Maylalang ng Lupain.” Ipinapalagay na ang titulong ito ay tumutukoy kay Merodac, na itinuturing ng mga Babilonyo bilang maylalang ng daigdig.