Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Tapanes”
  • Tapanes

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tapanes
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Tehapnehes
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ehipto, Ehipsiyo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Memfis
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Patros
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Tapanes”

TAPANES

gayundin ang Tapanhes, Tehapnehes.

Isang lunsod sa Ehipto na laging binabanggit kasama ng iba pang mga lunsod ng hilagang (Mababang) Ehipto, gaya ng Nop (Memfis), On (Heliopolis), at Pibeset (Bubastis).

Noong mga huling taon ng Judeanong kaharian, patuluyang nagbabala ang propetang si Jeremias sa kaniyang mga kababayan na huwag makipag-alyansa o manalig sa Ehipto ukol sa tulong laban sa bumabangong kapangyarihan ng Babilonya. Ang Nop (Memfis), na kabisera ng Ehipto, at ang Tapanhes ay binabanggit na “nanginginain sa [Juda at Jerusalem] sa tuktok ng ulo” bilang resulta ng pag-aapostata ng mga Judio. Tiyak na malaking halaga ang ibinayad ng maharlikang mga lider ng Juda para sa anumang suporta ng Ehipto; ngunit ikahihiya nila ang Ehipto, kung paanong ikinahiya nila ang Asirya.​—Jer 2:1, 2, 14-19, 36.

Tumakas Patungo Roon ang mga Nalabi. Kasunod ng pananakop ng Babilonya sa Juda noong 607 B.C.E. at ng pagpaslang kay Gedalias, lumusong sa Ehipto ang mga nalabi sa mga Judio, anupat isinama ang propetang si Jeremias. Ang unang lugar na binanggit na kanilang narating (o pinamayanan) sa Ehipto ay ang Tapanhes. (Jer 43:5-7) Maliwanag na ang Tapanhes ay nasa silangang bahagi ng rehiyon ng Delta, samakatuwid nga, sa HS sulok ng Mababang Ehipto. Ang ilan sa mga nagsilikas ay namayan sa Tapanhes. (Jer 44:1, 7, 8) Pagdating sa Tapanhes, isinadula ni Jeremias ang isang makahulang tagpo na ipinag-utos ni Jehova, anupat naglagay ng mga bato sa argamasa ng “hagdan-hagdang laryo na nasa pasukan ng bahay ni Paraon sa Tapanhes” sa harap ng iba pang mga Judio. Pagkatapos ay ipinahayag niya na darating si Nabucodonosor at ilalagay ang trono nito at ilaladlad ang maringal na tolda nito sa ibabaw mismo ng mga batong iyon.​—Jer 43:8-13; ihambing ang 46:13, 14.

Sa malayong Babilonya (noong ika-27 taon ng unang pagkatapon, samakatuwid nga, 591 B.C.E.), inihula rin ng propetang si Ezekiel na lulupigin ni Nabucodonosor ang Ehipto at “sa Tehapnehes ay magdidilim ang araw,” sapagkat babaliin doon ni Jehova ang mga pamatok at ang pagmamapuri ng lakas ng Ehipto. Ipinahihiwatig ng pananalitang ito at ng pagtukoy ni Ezekiel sa “mga sakop na bayan” ng Tapanhes na ang lunsod ay importante at malaki.​—Eze 29:19; 30:1, 2, 10-18.

Pinagmulan ng Pangalan. Sinasabi ng ilang tagapagsalin na ang pangalang Tapanhes ay nangangahulugang (sa Ehipsiyo) “ang Tanggulan ni Penhase,” anupat si Penhase ay isang heneral mula sa timugang lunsod ng Thebes na nakapanaig sa mapaghimagsik na mga elemento sa rehiyon ng Delta sa Ehipto, lumilitaw na noong huling bahagi ng ikalawang milenyo B.C.E.

Isinasalin ng Griegong Septuagint ang Tapanhes bilang Taphʹnas, at ipinapalagay ng karamihan na ang pangalang ito ay katugma ng isang mahalagang nakukutaang lunsod sa silanganing hanggahan ng Ehipto na tinatawag na Daphnae ng mga Griegong manunulat ng yugtong klasikal. Dahil dito, iniuugnay ng ilang heograpo ang Tapanhes sa Tell Defneh, halos 50 km (30 mi) sa TTK ng Port Said at mga 45 km (28 mi) sa KTK ng Pelusium, ang iminumungkahing lokasyon ng Sin.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share