Isang lugar sa Babilonya. Dito nanggaling ang ilang tao na hindi nakapagpatunay ng kanilang talaangkanan bilang mga Israelita nang dumating sila sa Juda kasama ng mga tapon noong 537 B.C.E. (Ezr 2:1, 59; Ne 7:6, 61) Maliban dito’y hindi alam kung saan ang lugar na ito.