TEMANITA
[Ng (Mula sa) Teman].
Isang termino na karaniwang inuunawa na tumutukoy sa isang katutubo ng Teman sa Edom. Isang naunang Edomitang hari, si Husam, ang nagmula sa “lupain ng mga Temanita,” at si Elipaz, isa sa tatlong kasamahan ni Job, ay isang Temanita. (Gen 36:31-34; Job 2:11; 4:1; 42:7) Ang bagay na si Elipaz ay nagmula sa Teman sa Edom ay ipinahihiwatig ng pagkaunawa na ang lupain ng Uz, kung saan nanirahan si Job, ay malapit sa Edom. Gayunman, naniniwala ang ilang iskolar na may posibilidad na ang Elipaz na binanggit sa aklat ng Job ay, hindi mula sa Teman, kundi mula sa Tema, isang dako na iniuugnay sa isang oasis sa Peninsula ng Arabia na mga 400 km (250 mi) sa TS ng Ezion-geber.—Job 6:19.