TIMNAT-SERA
Ang lunsod na ibinigay kay Josue bilang kaniyang mana sa bulubunduking pook ng Efraim. Hiniling ni Josue ang Timnat-sera, at “sa utos ni Jehova” ay ibinigay ito sa kaniya ng mga anak ni Israel. Itinayo niya ang lunsod at nang dakong huli ay dito siya inilibing. (Jos 19:49, 50; 24:30) Kapuwa sa Hebreong tekstong Masoretiko at sa Griegong Septuagint, “Timnat-heres” ang mababasa sa Hukom 2:9 sa halip na “Timnat-sera.” Hindi alam kung ano ang dahilan pagkakaibang ito ng mga pangalan.
Ipinapalagay ng ilan na ang Timnat-sera ay ang Khirbet Tibnah, na mga 30 km (19 na mi) sa TK ng Sikem. Palibhasa’y nasa kanluraning gilid ng bulubunduking pook, matatanaw mula sa Khirbet Tibnah ang baybaying kapatagan. Ang Bundok Gaas, sa T ng Timnat-sera (Timnat-heres) (Jos 24:30; Huk 2:9), ay hindi matukoy nang tiyakan ngayon.