Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Tobia”
  • Tobia

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tobia
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Praktikal na mga Aral Mula sa Nehemias
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2016
  • Nehemias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Pinabanal Na Kayo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Sanbalat
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Tobia”

TOBIA

[Mabuti si Jah].

1. Ninuno ng ilang pinabalik na tapon na hindi nakapagpatunay ng kanilang talaangkanan bilang mga Israelita.​—Ezr 2:1, 59, 60; Ne 7:61, 62.

2. Isang kalaban ni Nehemias. Si Tobia ay “lingkod,” malamang na isang opisyal ng Persianong hari. (Ne 2:19) Siya at ang kaniyang anak na si Jehohanan ay kapuwa nakapag-asawa ng mga babaing Judio, at kamag-anak din ni Tobia ang mataas na saserdoteng si Eliasib. Sa gayon ay nasa posisyon si Tobia para pahinain ang awtoridad ni Nehemias, yamang si Tobia ay tinitingala at pinupuri ng maraming Judio.​—Ne 6:17-19; 13:4.

Nang dumating si Nehemias sa Jerusalem, hindi nalugod si Tobia at ang mga kasamahan nito sa bumubuting kalagayan ng Israel. (Ne 2:9, 10) Noong una ay inalipusta at nilibak lamang nila ang mga Judio (Ne 2:19; 4:3), ngunit nang sumulong ang muling pagtatayo ng pader, sila ay lubhang nagalit. Gayunman, ang iba’t ibang sabuwatan​—ang paglipol sa mga Judio (Ne 4:7-9, 11, 14, 15), at ang pagtatangkang udyukan si Nehemias upang malapastangan niya ang templo (Ne 6:1, 10-13)​—ay pawang nabigo. Kahit noong natapos na ang pader, tinangka ni Tobia na takutin si Nehemias sa pamamagitan ng pakikipagsulatan sa mga sumusuporta sa kaniya sa Jerusalem. (Ne 6:16-19) Dahil dito, angkop lamang na hilingin ni Nehemias kay Jehova na alalahanin ang maraming balakyot na gawa ni Tobia at ng mga kakampi nito. (Ne 6:14) Noong ikalawang pagdating ni Nehemias mula sa Babilonya, nang makita niya ang silid-kainan na inilaan kay Tobia sa looban ng templo, inihagis niya sa labas ang mga kagamitan ni Tobia.​—Ne 13:4-9.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share