URIEL
[Ang Diyos ay Liwanag].
1. Isang Levitang inapo ni Kohat; anak ni Tahat.—1Cr 6:22, 24.
2. Pinuno ng mga Kohatita noong panahong ipag-utos ni David na dalhin ang kaban ng tipan sa Jerusalem.—1Cr 15:5, 11, 12, 15.
3. Ama ni Micaias (Maaca) na asawa ni Haring Rehoboam at ina ni Abias. (2Cr 13:1, 2; 11:21) Si Maaca ay apo ni Absalom. Yamang lumilitaw na ang tatlong anak na lalaki ni Absalom ay namatay nang bata pa at walang mga anak (2Sa 14:27; 18:18), malamang na si Micaias ang anak ng anak na babae ni Absalom na si Tamar at ni Uriel, hindi anak ni Absalom, kundi manugang.