Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Ahenho”
  • Ahenho

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ahenho
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Ahenho
    Glosari
  • Mapapait na Gulay
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Makapananatili Kang Malinis sa Isang Imoral na Daigdig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Mga Salot ni Jehova sa Sangkakristiyanuhan
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Ahenho”

AHENHO

[sa Heb., la·ʽanahʹ; sa Gr., aʹpsin·thos; sa Ingles, wormwood].

Tumutukoy ito sa maraming halamang kadalasan ay makahoy, na napakapait ang lasa at matapang ang aromatikong amoy. May ilang uri ng ahenho na matatagpuan sa Palestina, partikular na sa mga lugar na disyerto. Ang pinakakaraniwan ay ang Artemisia herba-alba, isang maliit na palumpong na tumataas nang 40 sentimetro (16 na pulgada). Sa Kasulatan, ang ahenho ay inihahambing sa mga bungang idudulot ng imoralidad (Kaw 5:4) at sa mapait na karanasang sasapit at sumapit nga sa Juda at sa Jerusalem sa mga kamay ng mga Babilonyo. (Jer 9:15; 23:15; Pan 3:15, 19) Lumalarawan din ito sa kawalang-katarungan at kalikuan (Am 5:7; 6:12) at ginagamit may kaugnayan sa mga apostata. (Deu 29:18) Sa Apocalipsis 8:11, ang ahenho ay tumutukoy sa isang mapait at nakalalasong substansiya, tinatawag ding absinthe.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share